BALITA NI: Daniella Ogatis | Aliana Singian | Jordin Alfonso | Benedict Relayo
Mag-aaral ang naging sentro ng talakayan sa larangan ng siyensiya nang pinasinayan ng iba’t-ibang kawani ng Kagawaran Ng Edukasyon ng Rehiyon III ang ginanap na Regional Pilot Testing Blueprint Of Learning Interventions And Enhancements In Key Stages 3-4 na ginanap sa Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School, Ika-Walo ng Pebrero taong 2024.
Alinsunod sa Regional Memorandum No.18, Series Of 2024 at sa patuloy na pagsulong ng Matatag kurikulum, dinaluhan ng mga panauhin mula sa Olongapo, Gapan, San Jose, Munoz, at iba’t-Ibang paaralan ng Lungsod ng Cabanatuan ang pagsasagawa ng pilot testing sa tatlong magkakaibang panibagong uri ng pag-aaral, ito ang Scilab, Scidebate, at Scijury na layunin na maintindihan ang iba’t-ibang konsepto ng siyensiya sa mag-aaral ng STEM (Science, Technology, Engineering Mathematics) at sa Junior High School. |
Layunin ng blueprint pilot testing na makita ang patuloy na paglago ng iba’t-ibang uri ng pagkatuto tulad ng sa Scidebate na ginamit ang matalas na pag-iisip upang talakayin ang magkabilang panig ng isang napapahong isyu, samantalang laboratoryo at pagkatuklas naman ang binigyang pahalaga ng Sciinlab kung saan ang mga mag-aaral ng STEM ang siyang tinuklas ang isang eksperimento gamit ang laboratoryo ng pamantasan, at huli, ang Sci-jury ang nagsilbing pamamaraan sa paggamit ng tunay na buhay kung saan inaangkla ang siyensiya.
[E]