Kuha at Sulat ni: Aliana Singian | Dibuho ni: Romniel Cape
MMFF ba kamo? Hindi. (Libreng sine para sa lahat!)
Mula lamang ‘yan sa mga kamay at mga ideyang hinugot sa mga tadyang ng bawat Scielinian mula sa Senior High School Department na pati pasko nag-eedit ng pelikula sa ginanap na MIL Film Festival: CineMaestro 2023 sa Honorato C. Perez Sr. Memorial Science High School.
Iba’t-ibang pelikula? Check! Magagandang kwentong hinubog ng iba’t-ibang estudyante? Check!
Malaya at punong-puno ng pagmamahal? Check na Check!
Nagbigay naman ng payo sa isang seminar si Rizzelle Santiago, guro ng Nueva Ecija High School (NEHS) patungkol sa pagbuo ng isang pelikula, mula sa mga teknikal na pangangailangan, sa crew, direktor, at iba pang mga banghay ng pelikula ay binigyang diin ni Santiago.
Ayon kay Armel Castillo ng 12-Bernoulli, isa sa sa mga direktor ng film fest, magandang pagkakataon ang film festival upang ilabas ang mga natatagong talento ng bawat mag-aaral hindi lamang sa pag-aaral, kundi na ‘rin sa kanilang paghahabi ng pelikula.
Ayon rin kay Castillo, napapanahon ang Film Festival dahil dito nabibigyang linaw ang magandang creative outlet ng bawat mag-aaral at nagbibigay tibay sa pundasyon ng bawat klase ng STEM at ABM.
Ayon naman kay Norman Taruc, isa sa guro sa Media and Information Literacy (MIL), ang Film Festival ay isang magandang paraan upang makita ang pagkamalikhain ng bawat estudyante.
Dagdag pa ni Taruc, na kaniyang pinagmamalaki ang bawat pelikula na nilikha ng kaniyang mga estudyante, at inaasahan niya pa sa susunod na CineMaestro Film Festival ay mas kapana-panabik at nakakapagbigay-inspirasyon ito sa mga mag-aaral ng SHS.
Sa pagpapamalas ng talento at determinasyon ng iba’t-ibang mag-aaral, papasok ka na ba sa sinehan para makita ang galing nilang lahat?
[E]